Modyul 2: Pagkamalikhain, Linangin Natin!
Suriin
Ang pagkamalikhain ay tumutukoy sa talento o kakayahan sa paglikha ng isang bagay. Maraming mga paraan upang malinang o mapagyaman ang mga talentong bigay sa atin ng Diyos.
1. Ipagpatuloy ang
pagtukoy ng iba mo pang mga talentong namana mo sa iyong mga magulang at
natutuhan mo sa iyong mga guro at mga nakasalamuha mo sa tahanan, paaralan,
simbahan at pamayanan. Sikaping gawin ang pagpapahayag ng mga talento hindi
lamang para sa sariling kapakanan kundi para sa kabutihan ng lahat.
2. Maging gawi ang
pakikibahagi ng iyong mga talento sa mga proyektong nakapagpapabuti sa kapuwa.
3. Lumahok sa mga
paligsahang makatutulong upang lalong mahasa ang iyong mga talento.
Samantalahin din ang pagsali sa mga paligsahan upang magkaroon ka ng mga bagong
kaibigan.
4. Maging
mapagkumbaba sa pagtanggap ng mga karangalan o mga papuri ng ibang tao o
samahan.
5. Higit sa lahat,
maging responsable sa paggamit o pagpapakita ng iyong mga talent.
Comments
Post a Comment