Modyul 1: Taglay na Kaugalian, Pagmamahal sa Bayan
Taglay na Kaugalian, Pagmamahal sa Bayan
Ang pagmamahal sa bansa ay
isang katangian na naipakikita sa iba’t ibang paraan. Maaaring maipakita ito sa
pagsasabuhay ng mga katangian, kultura at kaugaliang kumakatawan sa isang tunay
na Pilipino.
Gawain 1
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan at Mali naman kung hindi.
_____1. Nakikiisa ako sa programa ng mga kabataan sa
aming lugar.
_____2. Nagmamano ako sa mga
magulang at iba pang nakakatanda bilang paggalang.
_____3. Malugod kong
tinatanggap ang mga kamag-anak at kakilala kapag dumadalaw sila.
_____4. Hindi ako umuuwi nang
maaga dahil may lakad kasama ang barkada.
_____5. Hindi ako lumalahok sa
mga gawain ng mga kabataan tungkol sa binabalak na proyekto.
_____6. Sumusunod ako sa payo ng mga magulang.
_____7. Nagtatapon ako ng balat ng kendi kung saan
saan.
_____8. Sumusunod ako sa mga batas na ipinatutupad ng aming
paaralan.
_____9. Tinatangkilik ko
ang mga produktong yari sa ating bansa.

Comments
Post a Comment